Pilipinas: Bansa ng mga Talentado at Karunungan!
Minsan lang ako makabasa sa internet, pero ramdam ko ang bigat ng isyu tungkol sa DPWH. Isang boses ang nagsalita, at biglang naging tinig ng buong bayan. Salamat, Mayor Vico Sotto, sa iyong tapang at pangunguna. Ang pinakanakakatagos para sa akin ay ang sinabi ng mga diumano’y sangkot—na sila raw ay biktima rin. Biktima ng bulok na sistema. Oo, nakinabang sila. Oo, naging bahagi sila ng katiwalian. Pero hindi kaya, sa likod ng kahihiyan at bigat ng katotohanan, may bahagi rin sa kanila na gustong magsisi? Na gustong humingi ng tulong? Ngunit… kanino? Kung mismong mga dapat magbigay ng katarungan ay tinuturo ring kasangkot? Matagal na tayong lumalaban laban sa korapsyon. Pero hanggang kailan? Paano? Bakit palaging mga maliliit lang ang nadadawit? Nasaan ang mga malalaking isda? Nasaan ang mga makapangyarihan? Nakakatakot silang banggitin. Malalaking tao, makapangyarihan, nakaupo sa matataas na posisyon. Pero alam ko na may mas malaki pa kaysa kanila—tayo, ang taong bayan. Kaya masakit ...